Posibleng abutin pa umano ng 10 araw bago mailabas ang desisyon kung gagamitin pa muli ng pamahalaan ang kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia, kasunod na rin nang pagtaas ng dengue cases sa bansa.

Ipinaliwanag ni Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III, inaasahang tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Gabinete ang isyu, sa gagawing pagpupulong.

Sinabi ng kalihim na sang-ayon siya sa posisyon ng Malacañang na kailangan pa ng maraming pag-aaral kung papayagan nga bang maibalik sa merkado ang naturang bakuna.

Kailangan pa rin aniyang maghintay ng karagdagang mga impormasyon hinggil dito.

Pag-thumbs up ni GMA sa photo op kasama si Romualdez, solons usap-usapan

Maaari rin naman aniyang sa mga pribadong pasyente lang irekomenda ang paggamit ng Dengvaxia, gaya nang ginagawa sa Thailand, Indonesia at Singapore upang maiwasan ang tinatawag na ‘severe dengue reaction’ na maaaring mangyari kung mabibigyan ng naturang bakuna, ang mga taong hindi pa tinamaan ng dengue.

-Mary Ann Santiago