HINDI na lang sa mga peryodiko, magazines at online o social media puwedeng maghanap ng trabaho dahil may bagong programa ang DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630 na Good Job nina Danny Buenafe at Rica Lazo na napapakingan tuwing Sabado sa ganap na 2:00 ng hapon.

Balik-‘Pinas na si Danny na dating news bureau chief ng ABS-CBN sa Middle East at Europe samantalang ang co-anchor naman niyang si Rica ay nasa Wow Trending sa DZMM at ANC.

Isang buwan palang ang programang Good Job na pinaka-baby ngayon ng DZMM. Ayon kay Rica, ilalatag nila sa radyo ang mga trabahong puwedeng aplayan ng mga naghahanap ng trabaho, at ang mga listahan ay galing mismo sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Kapag ang dalawang personalidad ay pinagsama sa iisang programa sa radyo, ibig sabihin ay may chemistry sila gaya nina Winnie Cordero at Ariel Ureta sa Todo-Todo Walang Preno. Mahirap kasing pagsamahin ang dalawang anchor na walang napagkakasundudan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“In my case, I just retired last December, kasi sa ABS-CBN when you reach the age of 60, mandatory you have to retire. I was based abroad for a long time, I handled the Europe and Middle East news, so nag-usap lang kami ni Jing Reyes (hepe ng news department ng ABS-CBN), sabi niya, ‘why don’t you have a program sa DZMM?’ And then sabi ko, interested ako.

“Since mayroon na akong network sa abroad, mayroon akong global stringers, Europe and Middle East, sabi ko puwede kong ma-assemble if ever related. Kaya nu’ng i-offer itong ‘Good Job’, malaking opportunity kasi may mga nagiging istorya kami noon with my stringers na kapag ang istorya namin like 5,000 nurses ay kailangan sa Germany, ang laki ng ratings noon ng TV Patrol kasi ang daming inquiries kasi gusto nilang magtrabaho. Sa Prague, Czech Republic ang dami (kailangan).

“Si Rica siya naman ‘yung bagong jewel namin kasi siya ‘yung bubbly anchor namin saka may mix ng something bago at dating (anchors) sa DZMM. Sila (management) na rin ang pumili kung sino ang ipe-pair sa akin,” kuwento ni Danny

Ayon naman kay Rica, “I think dagdag din na we’re like opposite ends like spectrum bilang batikan na siya sa industriya tapos ako baby pa rin though I’m 3 years na rin sa DZMM, matagal na rin kasi nag-start ako radio DJ so, pagpasok ko sa industriya ng news, ng DZMM and ANC, baguhan palang ako compared kay sir Danny, siya kasi nandoon na siya, established na. Ako relate pa ako sa mga Kapamilya nating first timers na hindi pa alam ang kalakaran, hindi pa alam ang ginagawa, I think maganda rin na kami ang pinagsama kasi marami na siyang kasagutan sa maraming katanungan.”

Inabot ng labing tatlong taon si Danny sa London at 16 years sa Middle East, “naging second home ko ang Dubai pero nasa London ako,” aniya.

Dual ang hawak na pasaporte ng dating bureau chief dahil, “malaking bagay kasi when you carry a British passport kasi kung may terror attack sa Paris, tumatakbo kami kaagad. Parang out of convenience na rin sa akin kasi when you travel mabilis.”

Natanong din si Danny kung hindi sumagi sa isipan niya na sa London na manirahan kasama ang pamilya niya.

“They (management) asked me about that kasi hindi ko kasama ang family ko doon, but they gave me the arrangement na hindi ko rin masyadong nami-miss ang family ko kasi four times a year nakakauwi ako sa Pilipinas, every quarter.

“Maganda naman ‘yong arrangement, so sabi ko every three months nandito ako, pero once I’m there, I do a lot of travelling. Even I’ll bring them there, hindi rin kami magkakasama kasi lagi ko rin silang iiwan dahil bumibiyahe ako, so mas gusto na nila rito kasi mas okay pa nga ang buhay dito. Pero sila (pamilya) nakakapunta rin naman sila roon.

“Hindi ko rin kinonsider kasi naiinip na ako, gusto ko na ring makabalik dito kaya nagpasalamat nga ako natapos ko rin,” kuwento ng batikang tagahatid ng balita mula sa ibang bansa.

Kilala na ng entertainment media at bloggers si Sir Danny kasi nga matagal na rin siya sa news industry kaya inalam niya kung sino at saan nagmula si Rica.

“Ako po talaga, I started as radio disc jockey for 11 years, DWKC 93.9 FM for 8 years and MOR ng 3 years and pagpasok ko po ng ABS-CBN nakapasok na rin po ako bilang news anchor ng ANC, ABS-CBN News Channel and with DZMM po.

“Right now I dropped na ‘yong pagdi –DJ ko, I’m focusing na sa news. I have my daily show sa DZMM between 2:30-3:00 it’s called ‘Wow Trending’, Monday to Friday.

“Ang ginagawa po namin ay kino-collect namin ‘yong top trending topics it’s not all about news. I handled hard news, entertainment news even social media. Malakas na media ang social media ngayon, we cannot deny the power. It’s the quickest way to make news spread. Lahat po ng topics sa social media, we handled kahit nga po ‘yong mga nag-trending na memes, pinag-uusapan din po namin ‘yon. And then this new one, ‘Good Job’,” mahabang kuwento ni Rica.

Anong pagkakaiba ng Good Job program sa ibang job sites na madaling puntahan sa onlines?

“Ang Good Job kasi mayroon kaming announcement doon about job fairs at mayroon kaming particular features at ang gusto ko rito, ‘yung public employment service na sa isang lugar like sa Paranaque, Batangas, kung ano ‘yung available job doon,” sabi pa ni Rica.

-REGGEE BONOAN