PANIWALAAN-DILI pero kung sa Pilipinas ginawa ang pagsubasta ng trunks na ginamit ni eight-division world champion Manny Pacquiao nang magwagi laban sa Amerikanong si Keith Thurman, nagkakahalaga itong mahigit P12 milyon.

Sa palitang Ph50.890 kada $1, tumataginting na mahigit Php12 milyon ang halaga ng boxing trunks ni Pacquiao dahil nabili ito sa halagang $24,750 kamakalawa sa pasubasta ng Jimmy Kimmel Live at Charitybuzz.

“The charity auction for the boxing trunks Manny Pacquaio wore in his epic win over Keith Thurman went for $24,750, with dozens of bidders getting in on the action right down the final minutes,” ayon sa ulat ng Fightnes.com.

“The high bid will benefit a group of non-profit organizations fighting against ALS, brought together through the Jimmy Kimmel Live team and Charitybuzz,” ayon sa ulat.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

-Gilbert Espeña