NARIYAN man o wala si Marcio Lassiter, mabigat pa ring katunggali ang San Miguel Beer sa PBA Commissioner's Cup semifinals.

Aminado si Rain or Shine coach Caloy Garcia na mabigat ang laban nila sa Beermen sa best-of-five series. Nakamit nila ang pagkakataon nang gapiin nila ang No.3 seed Blackwater (85-83) sa quarterfinals series nitong Huwebes sa Big Dome.

Ayon kay Garcia, nanatiling malakas at maraming sandata ang San Miguel kahit hindi pa maglaro si Lassiter na na-sideline sa kabuuan ng torneo matapos magtamo ng Grade 2 MCL sprain sa kanyang kaliwang tuhod sa do-or-die quarterfinal match kontra Northport.

"Kahit wala naman si Lassiter they have too many weapons in that team. Yung mga hindi pa nagagamit doon, sila (Ronald) Tubid, (Von) Pessumal has been stepping up this conference."

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kanilang nag-iisang pagtutuos sa eliminations, tinalo ng San Miguel ang Rain or Shine, 89-87, nitong Hulyo 13 sa Cagayan de Oro City.

Umusad ang Beermen nang gapiin ang No.2 seed Northport Batang Pier s akanilang serye.

-Marivic Awitan