KAPANG-kapa ni Direk Cathy Garcia Molina ang moviegoers, kaya naman blockbuster ang halos lahat ng pelikula niya. Feel niya ang pulso ng masa at epektibo niyang napaghahalo ang art and commercialism sa pelikula.

Alden

Kabilang sa mga obra ni Direk Cathy ang mga Bea Alonzo-John Lloyd Cruz at John Lloyd-Sarah Geronimo starrer, gaya ng One More Chance, You Changed My Life, at A Very Special Love; at ang top-grosser na The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

We are not surprised na Graded Ang Cinema Evaluation Board (CEB) ang latest movie niyang Hello, Love, Goodbye, na nangangahulugang highly recommended itong panoorin dahil sa mahusay na pagkakagawa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bugbog sa promotions ang unang tambalan nina Kathryn at Alden Richards, na parehong naipo-promote sa dalawang TV network na kinabibilangan ng dalawa—kulang na nga lang ay i-plug ito ng pari sa Homily sa Sunday Mass ng ABS-CBN.

Sa nakalipas na mga araw, napanood sa GMA-7 ang Kapamilya actress, habang ilang beses na ring napanood sa mga programa ng ABS-CBN ang Kapuso actor.

Naengganyo kaming panoorin ang pelikula to find out kung may ibubuga nga ang acting ni Alden, na sumikat sa love team niya with Maine Mendoza, ang phenomenal na AlDub noong 2015.

Acting wise, ito ang biggest project ni Alden, na napanood na rin naman sa ilang pelikula (Imagine You and Me, The Road) at nagbida na sa mga teleserye (Victor Magtanggol, Destined To Be Yours).

Maganda ang feedback sa trailer ng Hello, Love, Goodbye, at maraming moviegoers na hindi nanonood ng pelikulang Tagalog ang curious na panoorin ang kaabang-abang na project na ito, na showing na sa Wednesday, July 31, mula sa Star Cinema.

-REMY UMEREZ