CONTROVERSIAL ang comment ni Gretchen Barretto na, “I love you my dearest one” bilang suporta kay Bea Alonzo at reaction sa “ENOUGH” post ni Bea.

Gretchen at Julia

Umabot na sa 514 ang replies sa comment ni Gretchen at iba’t iba ang kanilang reaksyon. May mga natuwa dahil kay Bea kumampi si Gretchen at hindi sa pamangkin niyang si Julia Barretto, pero ‘tila mas marami ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Gretchen at tinawag pa siyang sawsawera, epal. May nakiusap pang ‘wag isama si Bea sa conflict niya sa kanyang pamilya hanggang sa napunta na kay Gretchen ang isyu. Kinu-comfort lang daw nito si Bea, kaya ‘wag na siyang isama sa isyu. May ilang netizen din ang umungkat sa nakaraan ni Gretchen.

Kaya lang, sanay nang ma-bully si Gretchen at dedma na siya sa mga galit sa kanya, kaya wala nang effect ang pambu-bully sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tanong ng netizens, ano ang mararamdaman nina Julia at Marjorie Baretto, ina ni Julia at kapatid ni Gretchen, na kay Bea nagpahatid ng suporta at hindi sa mismong kadugo niya?

Kabilang sa mga pangalang nabasa naming nagpahayag ng suporta kay Bea ay sina Dawn Zulueta, Angelica Panganiban, Isabel Prats, Andrea Brillantes, Direk Frasco Mortiz, Camille Prats at Kris Aquino.

-NITZ MIRALLES