HAHAMUNIN ni three-time world title challenger Richie Mepranum ng Pilipinas ang walang talong South African na si Lodumo Lamati para sa hawak nitong IBF Inter-Continental super bantamweight title sa Hulyo 28 sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape, South Africa.

Magandang pagkakataon ito para sa 32-anyos na si Mepranum na muling pumasok sa world rankings lalo kung tatalunin niya si Lamati na No.12 kay IBF super bantamweight champion Daniel Roman ng United States.

May perpektong rekord si Lamati na 15 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts at huling naidepensa ang IBF regional title sa pagtalo sa puntos kay WBC International super bantamweight championAlexia Kabore ng Burkina Faso noong Disyembre 8, 2017 sa Eastern Cape, South Africa.

Natalo si Mepranum sa world title bouts sa mga laban sa Mexico pero nagwagi siya sa kanyang huling laban kay Sen Chen ng China para matamo ang bakanteng IBF Pan Pacific super bantamweight title noong nakaraang Hunyo 1 sa Macao para mapaganda ang kanyang kartada sa 34-7-1 na may 9 pagwawagi sa knockouts.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

-Gilbert Espeña