Coronel, sumungkit ng ginto sa ASEAN Schools Games

SEMARANG – Nakami t ni Philippine Junior national record holder Samantha Therese Coronel ang unang gintong medalya para sa Philippine swimming team nitong Linggo sa 11th ASEAN Schools Games sa Semarang Swimming Center sa Indonesia.

TINANGGAP nina Samantha Coronel (gitna) at Mishka Sy (kanan) ang kani-kanilang medalya sa awarding ceremony, habang puspusan ang pagsasanay ni Philippine junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh (kaliwa) para sa nalalabing finals event sa 11th ASEAN Schools Games sa Indonesia. (SWIM PINAS)

TINANGGAP nina Samantha Coronel (gitna) at Mishka Sy (kanan) ang kani-kanilang medalya sa awarding ceremony, habang
puspusan ang pagsasanay ni Philippine junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh (kaliwa) para sa nalalabing finals event sa 11th
ASEAN Schools Games sa Indonesia. (SWIM PINAS)

Mula sa lane 3, umariba si Coronel sa huling ratsadahan para gapiin ang karibal na si Indonesian Azmina Primidit Ulol (1:07.80) sa bilis na tyempong isang minuto at 06.59 segundo para sa gintong medalya sa girls 100m breastroke. Ang kasangga niyang si Mishka Sy ang umani ng bronze (1:07.84).

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nalagpasan ni Coronel ang 1:09.02 na naisumite sa preliminary round. Ang naturang tyempo ang ikatlong pinakamabilis saw along finalists.

Kinapos naman sa podium sina Swim Pinas standout Jordan Ken Lobos at Camille Lauren Buico.

Sa Boys 200m Breaststroke finals, nakihamok ng todo si Lobos kay Indonesian Andi Nurriz para sa bronze medal ng men’s 200 breaststroke, ngunit gabuhok lamang ang inilamang ng karibal (2:24.02) sa batang Pinoy (2:24.90)

Micaela Jasmine Mojdeh

Micaela Jasmine Mojdeh

Hindi rin kinasihan ng suwerte si Buico na naisuko ang laban sa bronze medal sa girls 50 butterfly sa Indonesian rivalk sa naisumiteng 29.17. Nakuha ni Hannah Purn ng Indonesia ang bronze (29.09), habang pang-walo ang si Micaela Jasmine Mojdeh (29.67).

Sasabak pa sa finals ng girls 200m Individual Medley ang swimming phenomena si Mojdeh, target na madugtungan ang bronze medal na napagwagihan sa 100m Fly sa ikalawang araw ng aksiyon sa torneo na itinuturing development program para sa mga atleta na sumasabak sa SEA Games.

Lalangoy sa lane 8 si Mojdeh matapos magkwalipika sa finals sa tyempong 2:30.50.

Sabak din sa finals sina Swimming Pinas mainstay Jordan Lobos sa 200m breast (2:24.90), at Jules Mirandadilla sa 50m butterfly.