NAKAKALOKA ang suggestion ng isang netizen na sana ay gumawa raw ng pelikula sina Bea Alonzo at Joshua Garcia na ang title ay We’ve Been Dumped. Dahil ito sa balitang pareho silang niloko nina Gerald Anderson at Julia Barretto, mga dati nilang partner.
Kailangan din daw gumawa ng pelikula nina Gerald at Julia at ang title ay The Cheaters dahil naman sa balitang kahit in a relationship pa sina Gerald at Bea, ay nakipagrelasyon na si Gerald kay Julia.
Sina Julia at Joshua naman ay nauna nang naghiwalay at gustong isipin ng netizens na si Gerald din ang dahilan. Naging close ang dalawa nang magtambal sa pelikulang Between Maybes na kinunan pa sa Japan.
Mas bongga nga lang ang isa pang suggestion na magsama-sama sa isang pelikula sina Bea, Maja Salvador, Kim Chiu at Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Bagay daw na title ang Four Sisters and the Cheater.
Ang problema nito, papayag ba ang mga nabanggit na magsama-sama sa isang pelikula? Saka may nag-react na kulang ang babaeng cast, dapat may mga mag-cameo rin para kumpleto ang casting.
Nag-trending pala last Sunday sa Twitter sina Gerald, Julia, Joshua at Bea at sa nabasa namin, negative sa netizens sina Gerald at Julia at na kina Bea at Joshua ang simpatiya nila. Parang kailangan ng matinding damage control sa parte nina Gerald at Julia para mawala ang isyung ito.
-NITZ MIRALLES