NAG-TRENDING ang sunud-sunod na sampal ni Sanya Lopez kay Benjamin Alves sa episode ng GMA afternoon series nilang Dahil Sa Pag-ibig nitong Martes, July 16.

Benjamin at Sanya

Pati tuloy ang ilang friendship namin sa Italy ay nag-PM (private message sa Facebook) kay Yours Truly, at sinabing super palakpakan daw sila sa pagbubunyi sa ginawa ng karakter ni Sanya. Galit daw kasi sila sa mga lalaking taksil sa asawa.

Yesss, hands down ang Kapuso viewers sa nasabing napaka-intense na eksena nina Sanya at Benjamin.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Paulit-ulit at galit na galit na pinagsasampal ng karakter ni Sanya bilang Mariel ang taksil nitong asawang si Eldon (Benjamin), makaraang mahuli sa pagtataksil, kasama si Portia (Winwyn Marquez).

Ramdam sa bawat linya ng aktres ang emosyon ni Mariel, kaya naman naapektuhan maging ang mga manonood.

Komento nga ng netizen na si Antonette C: “Sige, Mariel, bugbugin mo ‘yan! Nanggigigil ako, eh! Text mo address ng ospital, susugurin ko ‘yan, Mariel, let’s go!”

Puring-puri ng viewers ang napakahusay na pagganap ni Sanya sa bawat episode ng serye, kaya naman hangang-hanga ang fans sa kanya.

Tutok lang sa mas maiinit na tagpo sa Dahil Sa Pag-ibig, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime. Kapansin-pansin na laging pumapatok ang mga serye tungkol sa pagtataksil ng asawa, gaya ng Ika-6 Na Utos nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon sa GMA-7; at ang Halik nina Jericho Rosales, Yam Concepion, at Sam Milby ng ABS-CBN.

Parehong na-extend ang dalawang serye, na kapwa gabi-gabing tinutukan ng mga manonood nang ipalabas noong nakaraang taon

-MERCY LEJARDE