CAPAS, Tarlac – Ibinida ng kontraktor ng New Clark City na matatapos ang athletics at aquatics stadium nang mas maaga sa target nitong petsa para sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Bases and Conversion and Development Authority (BCDA) president and chief executive officer Vince Dizon, konting ayuda na lamang ang ginagawa sa athletics stadium, habang nasa 90 porsiyento na ang nagagawa sa aquatics center.

Aniya, matatapos ng infrastructure developer MTD Philippines, ang construction sa Agosto 31, dalawang buwan mas maaga sa target nilang Oktubre para matapos ang 20,000-seater athletics stadium at 2,000-seater aquatics center.

“Right now, we can tell you with utmost certainty that all the facilities will be finished way ahead of schedule,” pahayag ni Dizon sa ginanap na media briefing ntiong Biyernes.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“The good thing is if we meet our timeline of August 31, our athletes can start using them as early as mid-August. We want them to get acclimatized with the new facilities. It’s sad that they are training in old, rundown facilities. They need time to get use to the facilities. That’s what I’m most excited about,” pahayag ni Dizon.

“This is for them. Ang totoong may-ari nito ay ang ating mga athletes. Para sa kanila ginawa ito. They are looking forward to the time they are housed and train here,” aniya.