TRULILI kaya na hiwalay na si Arci Muñoz sa boyfriend niyang Chinese businessman na si Anthony Ng?

Anthony at Arci

Nakatanggap kasi kami ng mensahe mula sa isang reliable source na nag-break na ang dalawa nitong Miyerkules (Hulyo 17) lang.

Nakakabigla, dahil nu’ng Hulyo 11 (Huwebes) lang na ginanap ang #PPPGrandLaunch2019 ay masaya pang ikinuwento ng aktres na si Anthony na ang nakikita niyang makakatuluyan niya. Napag-usapan din na kung mag-asawa na sila ay hindi niya kailangang huminto sa showbiz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tulad nga ng inilabas namin dito sa BALITA kahapon, sinabi ni ni Arci, “Kapag pumasok ako sa isang relasyon, nakikita ko ‘yung tao na siya na ang makakasama ko for the rest of my life. Tuloy pa rin, hindi ko raw kailangang huminto sa showbiz. Ituloy ko lang kung ano ang ginagawa ko. Okay lang din ang may kissing scenes. Supportive kasi ‘yun (boyfriend), pero para sa akin may limitasyon na.”

Kaya nakakagulat dahil mahigit isang linggo pa lang ang nakalipas ay heto at mababalitang hiwalay na sina Arci at Anthony?

T i n a n o n g namin ang aming source kung ano ang dahilan ng hiwalayan.

“Pasaway kasi si Arci,” kaswal na sabi sa amin.

Hirit naming, baka tampuhan lang ang nangyari at magkakabalikan din sila.

“Hindi natutuwa mga nakapaligid kay Anthony kay Arci, pasaway kasi. Malabo na ang balikan.”

Katwiran namin, bakit nakikinig si Anthony sa mga nakapaligid sa kanya? Ibig sabihin hindi ganu’n kamahal ng guy si Arci, o wala siyang tiwala sa aktres?

Kung talagang mahal niya ang dalaga ipaglalaban niya ito.

May kinalaman ba ang sinasabing pagiging pasaway ni Arci sa paglalantad ng bida ng pelikulang Open (entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino) sa Tonight with Boy Abunda ng piercing/tattoo niya sa ilalim ng dila?

Nabanggit kasi ni Arci sa panayam namin sa kanya sa #PPPGrandLaunch2019 na nagulat si Anthony nang ipadala rito ng mga kaibigan nito ang video ng naturang panayam ng TWBA sa aktres. Sinabihan raw siya ni Anthony noon, “Talaga ba? Sa iba ko pa nalaman?”

“Pasaway nga kasi,” paulit-ulit na sabi sa amin ng aming source.

Actually, maraming ikinuwento pa ang aming source na hindi na namin isinulat pa, dahil kailangan muna naming makausap si Arci tungkol dito.

Samantala, nagpadala kami ng mensahe kay Arci habang tinitipa namin ang balitang ito, pero hindi niya kami sinagot.

Tinext namin ang handler ni Arci sa Star Magic kung totoo ang tungkol sa hiwalayan, at sinagot niya kami ng, “Hindi po.”

Binanggit namin na ang source namin ay kaibigan ng pamilya ni Anthony.

“Nasa Ceviche (restaurant) pa sila nu’ng Tuesday, wala namang nasabi sa akin,” sabi ulit ng handler ni Arci.

Iginiit namin sa kanya na “last Wednesday po naghiwalay” ang dalawa, pero hindi na uli sumagot ang handler ni Arci hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito.

cell phone, at binawalan din ang

-REGGEE BONOAN