FINALE week na ngayon ng Kapuso fantasy-drama na Dragon Lady, na first team up nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

Tom at Carla

Masaya si Tom sa pagtatapos ng serye nila, pero mami-miss naman niya ang buong cast dahil sa nabuong friendship nila. Ilang beses pa silang na-extend kaya mas tumagal ang pagsasama-sama nila.

“Iba rin ang bonding namin sa set, sa standby area, at minsan nakalalabas na rin kami, na halos kumpleto ang grupo. Mas madalas ‘yung sabay-sabay kaming kumakain,” kuwento ni Tom.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Minsan naman masaya kapag magkakasama mga boys sa tent, sina Sir DJ (Durano), EA (Edgar Allan Guzman), maaga pa lang kulitan na habang naghihintay kami ng take.

“At thankful kami dahil nga hindi namin napansin na ilang beses pala kaming na-extend, salamat sa mga sumubaybay sa amin.”

Amazed si Tom sa husay ni Janine sa mga mala-action scenes nito. Para sa kanya, ang hindi niya malilimutan ay nang mag-aral siyang mag-rowing para sa eksenang ito nang magsimula ang story at iyong nag-perform siya ng mixed martial arts sa isang eksena.

“At ngayong tapos na kami, puwede ko nang i-announce ang bagong blessing na dumating sa akin. Muli kasi akong kinuha ng GMA Pinoy TV, for three more US shows, at ang saya ko dahil makakasama ko ang mommy ko sa birthday niya sa August 15, at iyon ang huling show ko doon.

“Magsimula ako sa August 4 sa San Francisco, then sa Florida at August 11, at sa Texas sa August 15, then tutuloy na ako sa family ko roon.

“Pero bago ako pumunta ng US, may personal muna kaming vacation ni Carla (Abellana), pupunta kami ng Thailand sa end of July. Iyon, para sa aming dalawa lamang.”

Sa Saturday, July 20, na ang grand finale ng Dragon Lady, after ng Eat Bulaga sa GMA 7.

-Nora V. Calderon