BUO na ang Team Philippines Gilas.

BLATCHE: Balik Gilas.

BLATCHE: Balik Gilas.

Handa nang sumabay sa ensayo ngayon si Dray Blatche, halos wala pang 24 oras mula nang dumating sa bansa nitong Linggo.

Sinalubong si Blatche sa kanyang pagdating ni Gilas team manager Gabby Cui, bago nakipagpulong kay coach Yeng Guiao at Special Assistant to Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Ryan Gregorio.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Ayon kay Cui, nasa tamang kondisyon ang American naturalized at inaasahang mas matikas ang kampanya ng Gilas sa kanyang pagbabalik-bansa.

Iginiit naman ni SBP president Al Panlilio na napapanahon ang pagdating ni Blatche upang masimulan ang programa at mas makapagsanay nang mahaba ang Gilas bago ang pagsabak sa FIBA World Cup sa China.

“It is a great development that he is here early to get reacquainted with his teammates and coaches as we get ourselves ready for the FIBA World Cup in China,” sambit ni Panlilio.

“We are excited to see a full Gilas Pilipinas roster who will be ready to fight for flag and country.”