AMINADO ang sultry at versatile actress na si Andrea Torres, na challenging sa kanya ang dual role niya sa The Better Woman, bilang ang mabait at college graduate na si Jasmine na asawa ni Andrew, played by Derek Ramsay. Pero mas nahihirapan siyang i-portray ang karakter ng kakambal nitong si Juliet, lumaking walang natapos dahil kailangang buhayin ang sarili sa kahit anong paraan. May isang magandang katangian naman si Juliet, mabait siya at matulungin sa mga nangangailangan. Napatunayan ni Andrea na mahirap ang role ni Juliet, dahil mas madrama ang buhay nito.

Andrea

Hinangaan si Andrea last Friday evening, July 12, sa eksenang gusto na niyang iwan ang pagiging bold dancer. Sinita niya ang inang si Erlinda played by Jaclyn Jose, dahil iniwan daw siya nito sa lababo noong sanggol pa siya, hindi na binalikan at naghirap ang buhay sa umampon sa kanya, kaya natutong maging masama para lamang kumita at may makain.

Tuhog nga ang eksenang iyon kaya puring-puri si Andrea ng mga netizens na sumubaybay sa mga eksena nang gabing iyon. Gaano kahirap kay Andrea ang pagganap sa dual role na iyon?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Hindi po naman first time akong gumanap ng dual role, pero mabigat ito dahil nga magkaibang-magkaiba ang character namin. Si Jasmine ay mabait, may mapagmahal na asawa pero hirap din siya dahil may sakit siya sa puso simula pa noong sanggol pa lamang siya. At ngayong magkasama na sila ni Juliet, ano kaya ang gagawin niya, dahil inamin niya sa best friend niya na naiinggit siya kay Jasmine.

“Mahirap din sa akin kapag magkasama sa isang eksena sina Jasmine at Juliet, dahil magkaiba ang way of dressing nila, ganoon din ang make-up at hair style kaya it took time para makatapos kami ng isang eksena. At ngayong magkasama na kami sa bahay, mas maraming eksenang magkasama kaming dalawa.”

Siguro ang hihintayin ngayon sa mga susunod na eksena ay kung makakaya bang tiisin ni Juliet ang kakisigan ni Andrew, kahit sinabi niyang “kung hindi ka lamang asawa ng kapatid ko, lagot ka sa akin.” Matitiis ba niya bilang nakatatanda kay Jasmine, na agawin ang asawa nito?

Ang The Better Woman ay dinidirek ni Marc Sicat dela Cruz at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Sahaya sa GMA 7.

-Nora V. Calderon