SA Camp Riego de Dios sa Tanza, Cavite ginawa ang first day military training nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Paul Salas, Jon Lucas, at Jasmine Curtis-Smith para sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, na gagawin ng GMA-7.

Dingdong

Ang anim pa lang ang nag-training, at siguradong madadagdagan pa sila dahil malaki ang cast ng DOTS. Ang ibang sundalo sa cast, puwede nang mga tunay na sundalo ang gumanap.

Sa napanood naming Instagram Story ng training nila, makikitang nagpapaputok ng parang missile si Dingdong, at may target shooting training din sila.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sabi ni Lucho, sa rappelling siya natakot, habang sa zip line naman nahirapan si Jasmine.

Hindi mamadaliin ng GMA-7 ang training at taping ng DOTS, kaya wala pa silang ibinibigay na schedule kung kailan sisimulan ang taping, at lalo na kung kailan sisimulan ang airing ng DOTS.

Ang ipinaalam pa lang ay ang malapit na raw na announcement kung sinong Kapuso actress ang gaganap sa role ni Dr. Kang, a.k.a Beauty, na ginampanan ng Korean actress na si Song Hye-kyo.

Ador V. Saluta