BALIK It’s Showtime na si Vice Ganda kahapon dahil kailangan na niyang pumasok kasi nami-miss na siya ng televiewers at supporters niya sa programa.

Vice

Tatlong araw hindi nakapasok si Vice sa pangtanghaling programa ng ABS-CBN dahil nitong Lunes ay nagpa-admit na siya sa Medical City.

Kuwento ng kampo ng TV host, “Last week pa siya may-sakit. Wednesday last week pero pumasok siya sa ‘Showtime’ at ‘Idol Philippines’ Live noong Saturday at Sunday pero Monday ‘di na niya kaya kaya nagpa-admit na.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

At base sa diagnose ng doktor ni Vice, nagkaroon ng intestinal flu ang komedyante. Viral gastroenteritis is an intestinal infection marked by watery diarrhea, abdominal cramps, nausea or vomiting, and sometimes fever. The most common way to develop viral gastroenteritis.

Tinanong namin ang kampo ng TV host kung bakit pabalik-balik ang sakit niya dahil mga ganitong petsa rin noong nakaraang taon siya nagkasakit.

Sagot sa amin, “acid reflux na dala ng pagod at sa mga kinakain.”

Samantala, nag-tweet naman si Vice na pinasasalamatan niya ang mga gumamot at umasikaso sa kanya sa The Medical City.

“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of The Medical City for taking good care of me for three days. Ang babait at ang aliwalas n’yo. God bless you guys! Uwian na!”

Nag-upload din si Vice sa kanyang Instagram Story ng ilang videos ng mga test na ginawa sa kanya.

Hindi na idinetalye ni Vice kung ano ang kanyang naging sakit.

Last year, ganitong buwan din nang ma-ospital ang komedyante dahil sa sobrang pananakit ng tiyan na nauwi sa pagkaka-opera ng bato niya.

Agad namang napasugod sa ospital ang kanyang rumored boyfriend na si Ion Perez, ang personalidad na sumikat sa Miss Q and A portion, at ang anak-anakan niyang si Ryan Bang.

Hindi nga puwedeng mawala nang matagal si Vice sa It’s Showtime dahil iisa ang sabi ng lahat, “malungkot ‘pag wala si Vice sa ‘Showtime’.”

-Reggee Bonoan at Ador V. Saluta