TAMA ang hula ng maraming fans na para sa TVC ng Turks ang kinunan kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Palawan a few weeks ago.

Kaya may ganitong hula dahil sa ipinost ni Bea na photo nila ni John Lloyd kasama si Piolo Pascual na kumakain sila ng shawarma habang nasa harap ng kiosk ng franchise.

May napanood din kaming video ng contract signing ng tatlo at ang pagwe-welcome sa kanila bilang endorsers ng produkto.

Matatandaang bukod kay Piolo, kinuha ring endorser si John Lloyd at ngayon pati si Bea ay endorser na rin. May mga nag-comment lang na mas magiging masaya silang fans nina John Lloyd at Bea kung pelikula na ang kanilang gagawin.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

-Nitz Miralles