ALANGANIN ang laban ng San Miguel Beer sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kung kaya’t ipaparada nila ang bagong import upang makatawid sa susunod na round.

Kinuha ng Beermen bilang bagong import si Chris McCullough, dating first round pick sa NBA,upang maging katuwang ng koponan sa hangad na makausad ng playoffs.

“I came here with a chip on my shoulder. I just want to win games, win a championship,” pahayag ni McCullough na ipinalit kay Charles Rhodes.

Nakatakda siyang mabinyagan bukas sa pagsabak ng San Miguel kontra NLEX sa Mall of Asia Arena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m just coming here with a lot of energy, with a lot of dunks—a lot of dunks,” ayon pa sa dating Syracuse standout sa US NCAA. “Expect us to start winning more games, coming in and playing hard, coming for that championship.”

Dumating si McCullough sa bansa nitong Lunes pagkaraan ng 134-132 na pagkatalo sa Columbian Dyip sa overtime na nagbaba sa kanila sa 2-5 na rekord.

“We needed somebody who could inspire the team,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Mabigat ang nakaatang na trabaho para kay McCullough dahil kinakailangan ng Beermen na mawalis ang natitira nilang laban upang patuloy na mabuhay ang tsansa para sa ikalawang sunod na titulo.

Manggagaling ang 6-foot-9 na si McCullough sa Puerto Rico, China at NBA G-League, kung saan minsan siyang naging bahagi ng All-Star.

Si McCullough ang dating 29th overall ng Brooklyn Nets noong 2015.

-Marivic Awitan