Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs Northport

7:00 n.g. -- Rain or Shine vsTNT

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TATANGKAIN ng TNT at Northport ang pagkakaluklok nila sa top 2 spots sa pagsabak sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Hangad ng Katropa (7-1) ang ika-6 na sunod na panalo sa pagsagupa nila sa Rain or Shine sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi upang tumibay sa kapit nila sa liderato.

Magkukumahog namang makabalik ng win column ang Batang Pier (7-2) matapos putulin ng Phoenix ang kanilang 3-game winning run noong Hunyo 26 sa pamamagitan ng 97-87 paggapi sa una.

Buhat sa halos dalawang linggong pahinga mula sa huli nilang panalo, umaasa ang Katropa coaching staff na hindi sila mangangalawang sa pagsabak kontra Elasto Painters na naghahangad namang patuloy na buhayin ang aandap-andap na nilang tsansang umusad sa susunod na round.

Hawak ang barahang, 3-4, sisikapin ng Rain or Shine na makabawi mula sa natamong 97-100 na pagkabigo sa kamay ng NLEX noong Hunyo 28.

Mauuna rito, gagamitin naman ng Columbian Dyip ang naiposteng 134-132 upset win kontra San Miguel Beer noong Linggo sa pagsagupa nila sa Batang Pier ganap na 4:30 ng hapon.

Inaasahan ng Dyip na makakatulong ang naitalang overtime win kontra Beermen upang mabuo ang winning culture para sa koponan.

“Yun kasi ang wala dito sa team, yung winning culture so yun ang gusto naming ma-build,” anang ace rookie nilang si CJ Perez.

-MARIVIC AWITAN