SA paglipat ng family-oriented lifestyle magazine show na Mars mula sa GMA News TV patungong GMA Network, ay naging Mars Pa More! ang title nito at may bago ring co-host.

Iya at Camille

Makakasama na ni Camille Prats si Iya Villania sa show. Yes, si Iya na nga ang pumalit sa dating co-host ni Camille na si Suzi Entrata.

Siyempre, ikinalungkot ni Camille ang pagkawala ni Suzi sa show.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“It was actually a very long talk,” sabi ni Camille. “Seven years din kami, kaya it was month of usap-usapan and all that. It’s hard to transfer from GMA News TV without Ate Suzi, she’s practically almost part of my life.

“She was my ninang, part siya ng lahat na ng bahagi ng buhay ko. Pero in-explain din naman nila nang maayos sa amin ang transition.

“Ayaw din naman siyang papiliin ng management na magma-Mars ka ba o Unang Hirit?

Unang Hirit has been there for more than eleven years, doon na rin siya nag-grow and it’s not an easy decision for her. GMA ang nagdesisyon para sa kanya.

“When I found out that Iya will be there, mixed emotions na rin. Nagkaroon ako ng separation anxiety without Ate Suzi, but with Iya, I know it was going to be an easy show, because I’ve known her noon pang nasa kabila kami.

“So ganoon talaga, may pagbabago na mangyayari. Me and Iya hope that you will give Mars Pa More! a chance, kasi iba rin ang ibibigay na flavor ni Iya sa program.

“Nalungkot si Ate Suzi pero wala siyang sama ng loob. She’s happy that it was Mars Iya with me.”

“Sa July 8 ang pilot episode namin ng Mars Pa More!,” kuwento naman ni Iya.

“Sana huwag ninyong i-miss dahil ang first guest namin si Alden Richards.

“First time naming igi-guest ang mga anak namin sa show. Ipinagpaalam ko kay Drew (Arellano) ang paggi-guest ng anak naming si Primo. Si Nathan naman ni Camille ang makakasayaw ni Alden sa isang dance number.”

Sa July 7 ang due date ng pagsisilang ni Camille sa kanyang second child sa asawang si VJ Yambao. Last na raw iyon, dahil four na rin ang mga anak niya.

Si Nathan ang first child niya sa husband niyang si Anthony Linsangan. May 15-year old son din si VJ, at panganay nila si Nala, na one year old na. Baby boy muli ang isisilang ni Camille.

Nakapag-tape na si Camille ng seven episodes, at si Chariz Solomon muna ang papalit sa kanya habang naka-maternity leave pa siya.

Ang Mars Pa More! ay mapapanood simula July 8, Mondays to Fridays, 8:50 AM to 9:20AM on GMA Network.

-NORA V. CALDERON