SIMULA na ang pagpapatala sa JCTM IQ Chess Club's Students and Non-Masters Chess Tournament na tutulak sa Hulyo 28 sa Main Square Mall, 102 Molino Boulevard, Barangay Bayanan, Bacoor, Cavite.

Ipapatupad ang FIDE Rapid rules kung saan ang Rate of Play ay 15mins + 10sec delay na NCFP rating na sa buwan ng Mayo ang pagbabasehan.

Ito ay hinati sa dalawang kategorya, ang Division 1 na may pabuyang P6,000 at trophy sa magkakampeon na ipapatupad ang 7 Rounds Swiss System kung saan bukas sa lahat ng Non-Master player na ang NCFP rating ay hindi lalagpas sa 2100 at maaari ding sumali ang College at High School player (14 years old and below). Sa Division 2 naman na nakalaan sa magwawagi ang P3,000 at trophy ay ipapatupad din ang 6 Rounds Swiss System kung saan bukas sa lahat ng Kinder at Grade School (13 years old and below). Sa detalye ay mag call o text sa mga numero: +63 956-147-1834, +63 917-855-0899, +63 999-345-6162 at +63 999-756-3177 para sa dagdag detalye.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan