MUKHANG na-late yata ang summer vacation ni Angelica Panganiban, dahil one week after ideklara ang rainy season sa bansa, sakay pa siya nagpunta sa Siargao Island, as per her Instagram post.

Angelica

Sa kanyang Instagram Story, makikitang nag-enjoy si Angelica sa piling ng mga kasama niya sa picture, like Zanjoe Marudo, Smokey Manaloto, Pocholo Barretto at marami pang iba.

Hindi sinabi kung may kaugnayan sa trabaho nila, o may movie o TV show silang ginagawa kaya sila nasa isla, o talagang nagbabakasyon lang sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang lagi nang inaabangan na sexy photo ni Angelica ay hindi naman niya ipinagkait.

Nag-post siya ng photo niya na naka-one piece light green swimsuit, na umani ng more than 1,000 likes mula sa mga fans niya, at maging sa mga kaibigan at kapwa celebrities niyang sina Judy Ann Santos, Maxene Magalona, Sunshine Garcia, Ina Feleo, Glaiza de Castro, at marami pang iba.

Speaking of Glaiza, ngayon lang yata nangyari na hindi magkasama sa summer vacation ang mag-best friends na sina Angelica at Glaiza, dahil abala ang huli sa pagpunta niya sa London para kumuha ng short courses on musical production.

-NORA V. CALDERON