ANG The Better Woman nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang papalit sa Kara Mia sa GMA Telebabad. Pero dahil sexy ang tema, ilalagay sa huling time slot ang teleserye nina Derek at Andrea.

Derek & Andrea_PLEASE CROP copy

Ipinalabas na ang teaser ng sexy teleserye, at marami agad ang inani nitong reaction. Wala pa roon ang lap dance scene nina Derek at Andrea, na ayon sa aktor ay kinunan ni Direk Mark dela Cruz sa first taping day nila.

Nagulat nga raw noon si Derek, kuwento niya, pero kailangan nilang sumunod ni Andrea.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nataong naghiwalay na sina Derek at ang ex-GF niyang si Joanne Villablanca, at hindi maiwasang isipin ng iba na si Andrea ang dahilan. Kaagad naman itong itinanggi ni Derek, at sinabing disenteng babae si Andrea. Gayunman, naniniwala pa rin ang iba pa si Andrea ang dahilan kaya nakahiwalay ni Derek ang long-time girlfriend.

May nag-comment nga na “main excuse of a guy who wants out cause he’s eyeing his new PREY. That’s what real PREDATORS do,” na ang ibig sabihin, hiniwalayan ni Derek si Joanne para maligawan si Andrea.

Sagot ni Derek: “if you say so”. Hindi na niya pinahaba ang isyu, kaya dedma na rin ang aktor sa nag-comment na toxic siya.

Anyway, siguradong mixed ang reactions ng Kapuso viewers ‘pag airing na ang The Better Woman. Sure na may matutuwa sa tambalan nina Derek at Andrea, may kikiligin, may maseseksihan, at hindi maiiwasang may magagalit at magkaroon ng bashers ang serye.

-Nitz Miralles