NANG mag-post kami sa aming Facebook page na mali ang ibinigay na schedule ng Manila Water kaugnay ng water interruptions nitong Wednesday ay isa si Mariel Rodriguez sa mga nagkomento.

Robin copy

Base kasi sa report ng Bandila nitong Martes, magsisimulang mawalan ng tubig sa buong Metro Manila kinabukasan, Hunyo 19, Miyerkules, base sa pahayag ng Manila Water.

Hindi naman ito nasunod, dahil hindi na hinintay ng nasabing ahensiya ang kinabukasan; 6:00 ng gabi pa lang, pagkatapos na ihayag nila ang schedule, ay wala nang tubig.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Mariel, “Kami since Saturday (Hunyo 15)” ay wala na raw tubig.

At sunud-sunod na ang mga komentong nabasa namin sa aming timeline tungkol sa malaking kapalpakan ng Manila Water.

Oo nga naman, para saan pa na nagbigay sila ng schedule, eh, hindi naman nila sinunod?

At heto na, ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla, na kasalukuyang nasa Australia dahil dumalo sa college graduation ng anak niyang si Zhen Padilla, ay nag-post na rin ng kanyang saloobin sa pagkawala ng tubig.

May litratong pinost ang aktor ng gripong para sa hot and cold na walang tulo sa lababo.

Galit na galit si Robin sa mga hindi pinangalanang pulitiko ng Pilipinas.

Ang mahabang caption ni Binoe: “Dios Mio, ang layo ko sa Inangbayan Pilipinas pero ang lalakas ng boses na naririnig ko. Kaliwa’t kanan, taas-baba na naman ang mga magagaling.

“Paalala ko lang sa mga pulitiko na ito ang kanilang mandato maari bang bago ninyo saklawan ang geopolitics ay ayusin n’yo muna ang pag-deliver ng basic services sa mga tahanan namin.

“Kayo lang ang magiginhawa ang buhay! Kami ang taas ng mga tax namin binabayaran, ni tubig sa gripo wala kami! Mahiya naman kayo! Kung makapaghamon kayo sa China akala mo ang ginhawa ng buhay ng mga Pilipino.

“Ayusin n’yo muna ang domestic threat sa mainland Philippines bago kayo magpakamatalino at sumigaw ng foreign threat! Amerika ka nga, AMERIKA na ‘yun ah, ingat na ingat sa isyu na ‘yan, kaya nauuwi sila sa trade war na lang tayo, gusto n’yo direct confrontation!

“Nagkakabanatan ngayon ng mga oil tanker sa strait of Hormuz pero walang kahit na sinong super power ang naghahamon ng away kundi ang lahat ay imbestigasyon ang isinusulong dahil napaka sensitibo ng sitwasyon! Hindi lang sa South China Sea/West Philippines Sea ang mga ganitong ganap!

“Ang pagtuunan ninyo ng pansin at mga talino ninyo ay ang korupsyon sa gobyerno at poltical gangsters. Parang sa isang bahay lang ‘yan, ayusin n’yo ang pangangailangan ng kusina natin bago kayo maghanap ng away sa kalsada. Para kayong mga istambay, ang tatapang sa kanto, pero pagdating sa sariling tahanan wala naman maitulong kundi reklamo at paandar.

“Kung hindi ninyo mapigil ang galit ninyo sa China ito ang gawin n’yo. Una, ibenta n’yo bahay n’yo, mga kotse n’yo, lahat ng mga ari-arian ninyo at ibigay n’yo sa mga mangingisda na awang-awa kayo, para positibo at pisikal na makinabang sila sa inyo.

“Pangalawa, wala nang announcement, lumusob na kayo don kung nasan ang mga Tsino at don kayo magreklamo. Walang pipigil sa inyo, maniwala kayo.

“Papalakpakan namin kayo at isasabit namin ang mga picture ninyo sa aming mga bahay bilang mga bagong bayani ng Inangbayan, pero kung hindi n’yo magagawa, please we need water on our faucets! NOW!”

Umabot sa 366 ang komento sa nasabing post ni Robin, at lahat ay umayon sa pahayag niya.

-Reggee Bonoan