Mas kumaunting pamilyang Pilipino ang nagkokonsidera sa kanilang sarili na "mahirap," kaya bumaba sa bagong record na 38 porsiyento o tinatayang 9.5 milyong Pinoy sa unang bahagi ng 2019.
Sa nationwide survey na isinagawa nitong Marso 28-31 sa 1,440 respondents, natukoy ng SWS na 38% ng pamilyang Pilipino ang nagkokonsiderang sila ay mahirap, na mas mababa ng 12 puntos sa 50% o nasa 11.6 milyong pamilya noong Disyembre 2018.
Binanggit ng SWS ang 12 puntos na pagbaba ng nationwide self-rated poverty sa unang bahagi ng 2019 dahil sa bumabang 16 puntos sa Luzon, 12 puntos sa Mindanao, 6 na puntos sa Visayas, at 2 puntos sa Metro Manila.
-Ellalyn De Vera-Ruiz