YES, tinututukan ng madlang pipol tuwing hapon ang seryeng Dahil Sa Pag-Ibig ng Kapuso afternoon prime, in fairness!

Lalong dumarami ang naiintriga at nakatutok sa intense na mga eksena sa Afternoon Prime soap na Dahil sa Pag-ibig, sa true lang.

Sa katunayan, patok na patok sa Facebook ang naging mainit na eksena nina Mariel (Sanya Lopez) at Gary (Pancho Magno) sa serye.

Pumalo na sa mahigit apat na milyon ang views ng episode kung saan tinanggap ni Mariel ang indecent proposal ng ex-boyfriend niyang si Gary.

Tsika at Intriga

Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

Ito lang kasi ang naging solusyon ni Mariel para masagip ang buhay ng asawang si Eldon (Benjamin Alves).

Maraming netizens ang saludo sa pinakitang katapangan ng karakter ni Sanya (Mariel) na ginawa ang lahat para sa kanyang asawa at pamilya.

Samantala, mabubunyag na ba ang itinatagong sekreto ni Mariel kung sino talaga ang tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis?

Tutukan lagi ang Dahil sa Pag-ibig teledrama mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Bihag sa GMA.

-MERCY LEJARDE