MAY latest update sa kondisyon ni Eddie Garcia na inilabas ng kanyang doktor na si Dr. Regine Macalintal- Canlas. May petsang June 17 ang medical bulletin.

Coco at Eddie

“According to Mr. Eduardo, Eddie Garcia’s attending physician, Dr. Regina Macalintal- Canlas, as of 1515 of June 17, 2019, Mr. Garcia continues to be in critical condition. In his present condition, he is dependent on the ventilator to breathe and medications to support his blood pressure. We have advised the family to limit Mr. Garcia’s visitors to prevent complications from occurring.”

Kaugnay nito, naniniwala si Coco Martin na malalagpasan ni Eddie ang kritikal na kondisyon at gigising sa pagka-comatose hanggang sa gumaling nang tuluyan. Nitong Linggo sa Rated K, may ipinalabas na pre-recorded video si Coco.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Lo, alam ko kayang kaya mo iyan. Alam ko po na kung ano man itong nangyari sa iyo, alam ko na wala iyan. Malalampasan mo iyan. Huwag kang bibitiw. Lagi kaming nandito, nagmamahal sa ‘yo, humahanga sa ‘yo at nagdadasal. Alam namin na gagaling ka agad,” wika ni Coco.

Dagdag pa ni Coco, “Lahat kami naghihintay sa ‘yo. Lahat kami nag-aabang ulit na magkasama tayo ulit sa trabaho, sa lahat ng mga okasyon. Sobrang mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal ka ng industriya, ikaw ang inspirasyon namin.”

Nabanggit din ni Coco na napakasimple at napakatahimik ni Eddie.

“Sabi ko nga bilang artista, sa edad ni Tito Eddie, sobrang nabilib kaming lahat. Siya ‘yung tipong walang personal assistant, driver lang. Grabe ‘yung pagmamahal niya sa trabaho, ‘yung pagmamahal niya sa industriya. ‘Yung pag-aalaga niya sa lahat ng mga proyektong ginagawa niya,” pagtatapos ni Coco.

Nagkasama nang matagal sina Coco at Eddie sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN, kaya close sila. Nabalitaan ring minsang dumalaw si Coco kay Eddie sa Makati Medical Center.

-NITZ MIRALLES