Ipinagkaloob na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pamunuan ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) ang nalalabing P42 milyong donated funds para sa Yolanda victims sa Tacloban City.

YOLANDA

Idinahilan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad, gagamitin ang pondo sa

ongoing water system project sa resettlement site sa lungsod.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Tinukoy ng mga ito ang isasagawang procurement at installation ng nasa 14,000 unit ng water meters na ikakabit sa mga bahay sa resettlement area.

Matatandaang itinigil ng LMWD ang itinatayong water supply system para mabigyan ng sapat na supply ng tubig ang mga nakatira sa resettlement sites nang kapusin sila sa pondo.

Ipinaliwanag pa ng dalawang opisyal, ipinasiya na lamang nilang i-donate sa LMWD ang natitirang pondo upang mapakinabangan pa ito ng mga naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda’ noong 2013.

-Beth Camia