Handang-handa na si dating world rated Filipino featherweight Recky Dulay na harapin ang batambatang Amerikanong si Luis Coria sa Hunyo 23 sa Club Events Center, San Bernardino, California sa United States.

Huling lumaban ang tubong Catarman, Northen Samar na si Dulay nang mapatigil siya ni undefeated American Italian Giovanni Mioletti noong nakaraang Marso 23 sa Tacoma, Washington pero nabigyan pa rin ng laban sa kanyang pagiging slugger na gusting-gustong ng mga American boxing fans.

Sumikat si Dulay sa bansag na “The Terror” sa Amerika nang mapatulog niya sa 3rd round noong Hulyo 15, 2017 sa Forum, Inglewood, California si Golden Boy Promotions boxer Jaime Arboleda ng Panama na kilalang knockout artist kaya pumasok siya sa WBA featherweight rankings.

Sa pagkasa sa 26-anyos na si Dulay, masusubok ang kakayahan ni Coria na 20-anyos pa lamang at may kartadang 11 panalo, 2 talo na may 6 pagwawagi sa knockouts.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord si Dulay na 11 panalo, 5 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts at umaasang magwawagi laban kay Coria para muling makapasok sa world rankings. - Gilbert Espeña