SA wakas, pagkatapos ng mahaba-habang relasyon at pagsasama, nag-propose na si Benj Manalo sa longtime girlfriend niyang si Lovely Abella nitong Martes, June 11.

Lovely at Benj

Si Benj ay anak ng komedyanteng si Jose Manalo, habang si Lovely naman ay dating dancer, na naging comedienne.

Magkasama sina Jose at Lovely sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ayon kay Lovely, wala siyang kaalam-alam na magpo-propose sa kanya si Benj sa isang pagtitipong kanilang dinaluhan last Tuesday.

Pahayag ng Kapuso comedienne sa kanyang Facebook post that day: “Hindi ko alam, hindi ko alam ang ganitong pakiramdam, ‘yung totoong wala akong alam, as in kahit konting kaba, wala talaga. Lagi niya kasing ginagawa sakin ang magpasalamat tuwing may mga ganitong pagkakataon...

“Ang galing mo babe @benj [clapping emojis] naplano mo lahat nang wala akong nahahalata, salamat sa pagmamahal, salamat sa lahat...

“Alam kong ‘di ako perfect, pero trying my best na maparamdam sa ‘yo ang pagmamahal na deserve mo! Love you so much!! Finally [ring emoji].”

Clueless daw talaga si Lovely sa plano ni Benj na marriage proposal sa kanya.

Kuwento pa ng Bubble Gang actress: “’Yung gulung-gulo ako sa pangyayari. Una may ginagawa siyang music video, at humingi siya ng favor sa ‘kin mag-cameo, sabi pa niya in-invite niya mga friends ko. Naisip ko tulong nga naman para ma-promote lalo ‘yung music video niya.

“Pagdating ko kanina from embassy lahat sila, ang sabi ba’t ganyan suot mo, para kang PTA teacher. Tapos wala pa din akong idea kung bakit, pero super nagpapasalamat ako kasi andon daw si @iamjnapoles @ilovekaye @kimsmolina @pepe.herrera @paengerzi @alexvmedina @powercaressing sabi ko wow full support sila nagpasalamat talaga ako sa kanila sa suporta nila.

“Tapos hetong si @amazingbetong (Betong Sumaya) nagmamakaawa pa ako na sumama siya tulong kay Benj, sabi pa niya baka kailangan ipaalam sa Artist Center sa isip ko (ang arte naman nito) pero kinausap kunwari ng rm (road manager) ko ‘yung rm niya. Ang galing.

“Tapos madalas talagang nagpapasalamat sa ‘kin si @benj everytime na may ganyang event siya, ‘di na bago sa ‘kin, nahabaan lang ako, pero wala pa din akong idea.

“Sorry, ‘di pa din ako maka-move on ganito pala ang feeling [crying emojis].”

Ngayong engaged to be married na sila, may petsa na ba ang kanilang kasal?

“Waley pang plano,” sabi ni Lovely. “’Di ko pa napi-feel na engaged na ako kasi after tumakbo ako airport para sa Riyadh show.”

Maglilimang taon na ang relasyon nina Benj at Lovely sa Enero sa susunod na taon.

Si Lovely ay may anak na babae sa dati niyang karelasyon, habang si Benj ay may anak na lalaki sa dati ring girlfriend nito.

Tanggap daw ng kani-kanilang mga anak ang relasyon nila.

-Ador V. Saluta