MUKHANG namemelegrong hindi ma-renew ang franchise for broadcast ng ABS-CBN network matapos na i-“freeze” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4349 na umaasang muling mabigyan ng prangkisa ang broadcast giant sa susunod na 20 taon. Nakatakdang mag-expire ang license to broadcast ng ABS-CBN Broadcasting Corporation sa March 20, 2020 o siyam na buwan mula ngayon.

Ayon sa ilang media report, kahapon, June 12, ay hindi inaksiyunan ng Committee on Legislative Franchises ang bill na naipasa pa noong November 2016, na naglalayong palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa mag-adjourn ang huling session ng 17th Congress kahapon, June 11. Nangangahulugan ito na kailangang muling i-refile ang nasabing batas sa 18th Congress nang sa gayon ay maaksiyunan ito.

Magsisimula sa July 22 ang 18th Congress. Hayagang sinabi ng Pangulo sa ilang niyang talumpati na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil ginantso umano siya ng network noong 2016 presidential elections.

Hindi raw kasi inere ng network ang kanyang political ad kahit bayad na ito.

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon ang ABS-CBN sa alegasyong ito ni Duterte. Ngunit noong December 2017, nabanggit ng Pangulo na maaari siyang makipagkompromiso sa ABS-CBN kung tutulong ito sa kampanya niyang mabago ang uri ng gobyerno mula Presidential patungo sa pagiging Pederalismo.

Pero nitong nakaraang taon, muling inulit ni Duterte ang kanyang banta laban sa Kapamilya network.

Ang rival network ng ABS-CBN na GMA Network ay noon pang April 2017 naaprubahan ang franchise renewal na tatagal sa susunod na 25 taon.

Dahil sa pagmamatigas ni Pangulong Duterte, pinaghahandaan na umano ng network ang anumang posibilidad na mangyayari pa sa susunod na taon.

Nakatakda raw mapanood ang mga pelikula na produced ng ABS-CBN sa Phoenix Satelite Television sa China.

Labing-anim na titulo ang ipalalabas sa nasabing istasyon simula Setyembre ngayong taon.

May mga espekulasyong pinapalakas umano ng istasyon ang kanilang online service bilang paghahanda sakaling hindi ma-renew ang kanilang franchise.

-ADOR V. SALUTA