Ikinalugod ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang balita na isang Pilipinang madre ang malapit nang maging santo.
Ayon kay CBCP Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Secillano, ang balita ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na mamuhay sa pananampalataya.
"Holiness is not an unreachable ideal. It is not an impossible dream but a lifestyle that can surely be attained," sinabi niya sa isang panayam.
"While we may not be perfect, as plenty of the saints were in their lifetime, we may strive to live a life of faith with God's help and guidance," dagdag niya.
Si Maria Beatriz del Rosario Arroyo ay idineklarang “Venerable”, na ang mga bayaning katangian ay kinilala ng pontiff nitong Hunyo 12.
"Venerable" ay ikalawa sa ikaapat na hakbang sa canonization process ng simbahan.
Base sa CBCP News post, kapag nagtagumpay ang Cause for Sainthood ni Mother Arroyo, siya ang unang Pilipinang santo.
Ang Pilipinas ay may dalawang santo: Lorenzo Ruiz, na na-canonized noong 1987; at Pedro Calungsod, 2012.
-Leslie Ann G. Aquino