Bukod sa karaniwan nang nakaistasyon na mga Chinese vessels sa Scarborough Shoal sa Zambales, isang warship ng China ang namataan sa pinag-aagawang teritoryo sa huling pagpapatrulya ng Philippine Coast Guard o PCG sa isla.

KUMPIRMADO! Ang Chinese warship sa Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, sa Zambales (Litrato mula sa PCG)

KUMPIRMADO! Ang Chinese warship sa Scarborough Shoal, o Bajo de Masinloc, sa Zambales (Litrato mula sa PCG)

Nagbalik na ngayong Lunes ang multi-role response vessel 4402 o ang BRP Malabrigo, mula sa Bajo de Masinloc, kasunod ng apat na araw na pagpapatrulya sa lugar.

Kinumpirma nito ang presensiya ng limang Chinese vessels sa Scarborough Shoal, ayon kay Captain Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Dalawang China Coast Guard, dalawang militia boats at isang naval ship ang namataan ng mga tauhan ng Coast Guard na umiikot sa gilid ng Scarburough Shoal,” sabi ni Balilo.

Sa nasabing pagpapatrulya, tatlong lokal na bangka rin ang nakita sa lugar, habang lumilibot naman ang Chinese vessels.

Sa kabila nito, itinanggi naman ng mga lokal na mangingisda na tinatakot sila ng nasabing Chinese vessels sa isla.

“Maliban sa regular na pagtatanong sa PCG ng China Coast Guard sa kanilang presensya sa area, wala namang untoward incident na nangyari sa loob ng apat na araw,” kuwento ni Balilo.

-Betheena Kae Unite