FOLLOW-UP ito sa isinulat namin dito sa BALITA kahapon tungkol sa pagpapagaling ni Liza Soberano, na kasalukuyang nasa Los Angeles, Cal i fornia, USA, ma k a r a ang ope r ahan ang da l i r i ni y ang nagkaroon ng bone infection.

Ogie at mga anak, kasama sina Liza at Enrique

Bukod sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, na dumalaw sa kanya sa Amerika kasama ang buong pamilya nito noong Mayo 25, dumating din ang love of her life na si Enrique Gil last Mayo 29.

Matatandaang natanong ni Ogie si Liza kung sila pa ni Quen (palayaw ng aktor), dahil nga may tsikang hiwalay na sila, na kaagad namang pinabulaanan ng dalaga. Sinagot niya ang tanong ng manager ng, “oo naman.”

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

At napatunayan nga ito, dahil kung hindi kami nagkakamali ay naroroon pa rin si Enrique ngayon para maka-bonding nang matagal ang girlfriend, na matatagalan pang umuwi sa Pilipinas, dahil siyam na linggo pa ang healing process ng operasyon niya, o kung tama ang bilang namin ay aabutin siya roon hanggang Agosto pa.

“Depende s a p a y o ng doktor,” saad ni Ogie nang makatsikahan namin sa opisina niya nitong Huwebes nang hapon.

“Kaya nga hindi pa kami makapagpa-schedule para sa taping ng bagong teleserye nila ni Enrique, kasi depende kung kailan siya uuwi,” sabi pa ni Ogie.

Ang saya-sayang ikinuwento ni Ogie na namasyal sila ng pamilya niya sa Disneyland at 6 Flags America, kasama ang love birds na sina Enrique at Liza.

Base rin sa ibinahaging litrato ni Ogie sa kanyang Facebook page, ang sweet nina Liza at Enrique na halatang na-miss ang isa’t isa.

Mula rito sa amin sa BALITA, wi s h n ami n a n g a g a r a n g paggaling ni Liza Soberano.

-REGGEE BONOAN