MUKHANG okay naman sina Julia Barretto at Joshua Garcia, base sa litratong ipinost sa Instagram ni Mikhail Red, ang direktor ng latest movie ng JoshLia.

Julia at Joshua copy

Caption ni Direk Mikhail sa litrato na magkatabi at kapwa nakangiti ang JoshLia: “#BlockZ Dinner Break @juliabarretto @garciajoshuae @dimplesromana @ mariesteller.”

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan sina Joshua at Julia ilang linggo na ang nakararaan, pero ngayon ay okay na yata sila, kaya wala nang dapat ipag-alala ang fans.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Kinausap silang dalawa (JoshLia) kasi apektado ang Block Z. Saka wala namang dapat pag-awayan. Ang cheap kung anuman ang isyu nila. Okay sila, love nila ang isa’t isa,” say ng aming source.

Matatandaang nagkaroon ng selos factor sa parte ni Joshua dahil sa kissing scene ni Julia kay Gerald Anderson sa pelikulang Between Maybes.

Well, artista sila, kaya dapat nilang tanggapin na trabaho lang ang lahat.

Hindi pa sinagot ng aming source ang tanong namin kung bakit walang follow-up serye ang JoshLia.

-REGGEE BONOAN