SA katatapos lamang na 35th PMPC Star Awards For Movies nitong Linggo, sa Resorts World Manila, tinanggap ni Ogie Alcasid ang Best Actor dahil sa simple pero malalim at mahusay niyang pagganap sa pelikulang Kuya Wes.

Ogie copy

Sa kanyang acceptance speech that night, pinasalamatan ni Ogie ang mga naging inspiration niya sa buhay.

Unang-una niyang binanggit ang kanyang Daddy at Mommy, kapatid, at ang mga anak niya sa kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah, coz hindi naman kaila sa madlang pipol na despite separating with Michelle in 2007, Ogie maintained a good relationship with his first wife and children, maski na after marrying Regine Velasquez in 2010.

Karina Bautista, PH navy reservist na

But of course, hindi rin niya nakalimutang pasalamatan at banggitin ang anak niyang si Nate at lalong-lalo na ang ina nitong si Regine.

“And to my wife who always believed in me, that’s why I started believing also to myself,” bahagi ng speech ni Ogie, habang si Regine naman ay proud and teary eyed na kinukunan siya ng video sa phone nito mula sa kinauupuan nito sa harapan ng stage.

“I want to dedicate this to all the simple people out there. Keep living, keep loving, keep doing what you wanna do in life. This is for you. Thank you.” Well, congratulations, Ogie, and awards pa more as an actor, comedian, singer and composer!

-MERCY LEJARDE