KUNG noon ay marami ang nakakapuna sa masyadong kapayatan ni Kris Bernal, ngayon ay gugulatin niya ang madlang pipol dahil proud member na siya ng #PetiteGirlsWhoLift.

Kris

Determinado ang Kapuso actress na maging physically fit at sexy kaya naman kahit nahihirapan, panay pa rin ang pagbisita niya sa gym.

Sa kanyang latest Instagram post, ipinasilip ni Kris ang kanyang workout routine!

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I will probably always be lazy, but I can still be fit and healthy. 4% of my day, 2x a week, all good!”

Tiyak na mas lalong gaganahan si Kris na mag-workout, bilang preparasyon niya para sa The Haunted Wife, ang upcoming series niya sa Kapuso Network.

Noong nakaraang linggo ay nag-storycon na si Kris kasama sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo, at marami pang iba.

So, wait n’yo na lang madlang pipol, kung ano ang magbabago sa wankatitat nitong si Kris, para hindi na siya tawaging payatola, as in payatot queen. Okidoki?

‘Yon lang.

-MERCY LEJARDE