ISA si Gabby Concepcion sa original Regal babies na nananatiling aktibo sa pelikula at telebisyon. Ang big difference nga lang, pambida pa rin ang mga roles na ginagampanan niya, hindi katulad ng mga ka-batch niyang aktor na father roles na ang nilalabasan.

Gabby copy

Looking young and fit kasi si Gabby, at lalong naging guwapo as he ages; ‘tila natagpuan ng aktor ang fountain of youth. Kaya naman swak siya sa mga teleseryeng pinagbibidahan niya, gaya ng ongoing na Love You Two nila ni Jennylyn Mercado, kung saan kaagaw pa ng karakter ng aktres ang sariling kapatid, na ginagampanan naman ni Shaira Diaz.

Wish ng marami na gumawa muli si Gabby ng drama, na mas matindi ang impact sa Ika-6 na Utos where he played a philandering husband, at mga mas batang aktres din ang katambal nila, sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Siyempre, marami pa rin ang umaasa sa muli nilang pagtatambal ng ex-wi f e niyang s i Sharon Cuneta. Hihintayin pa ba niya na maging s enior citizens ang dalawa para ito matupad?

-REMY UMEREZ