Pormal nang iimbestigahan ang mga pahayag ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, hinggil sa umano’y ouster plot laban kay Pangulong Duterte, matapos niyang bumalik sa Philippine National Police (PNP), isiniwalat ngayong Lunes ng police official.
Ayon kay Police Maj. General Amador Corpus, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bumalik si Advincula sa kustodiya ng PNP nitong Mayo 27.
"Last Monday, that is May 27, Bikoy returned. He is now under protective custody. He voluntarily surrendered himself and requested for protective custody," sinabi ni Corpus.
Sa pagbabalik ni Advincula, sinabi ni Police General Oscar Albayalde, PNP chief, na lahat ng pahayag nito, kabilang ang mga personalidad na iniugnay niya sa ouster plot, ay iimbestigahan.
"All the things Bikoy said will be validated, all the names will be part of our investigation," saad ni Albayalde.
Maging si Advincula, sa kabila ng pagsuko sa pulis, ay iimbestigahan.
"Bikoy will be part of the investigation. Remember, he can also be a respondent here. We are not saying that he is already a witness or he's still a suspect. It's for the court to decide if he will become a witness or a suspect after we file a case," wika ni Albayalde.
Sa kanyang pagbabalik, sinabi ni Albayalde na isinuko ni Advincula ang kanyang cell phone at ilang computer parts bilang karagdagang ebidensiya sa kanyang mga pahayag.
Ang cell phone ay naglalaman umano ng palitan ng mensahe nina Advincula at security aide ni Senador Antonio Trillanes IV.
PANIBAGONG ESTAFA
Hanggang sa Martes, Mayo 4, ang ibinigay na palugit kay Advincula para magtungo sa Department of Justice (DoJ) at harapin ang panibagong kaso ng estafa.
Ipinagkaloob ni Assistant State Proscutor Herbert Calvin Abugan, may hawak ng kaso, ang pagkakataon kay Bikoy nang bigong sumunod sa subpoena, na nag-uutos sa kanyang dumalo sa preliminary investigation hearing nitong Mayo 28.
Nagsampa ng kaso si Ardeur World Marketing Corp. President and chief executive officer Arven Valmores sa DoJ nitong Mayo 10, matapos na makilala si Bikoy sa telebisyon.
Nag-ugat ang reklamo ni Valmores sa event na Miss Scenti Essencia Amabassadress 2018 sa Polangui Albay noong Agosto 11, 2018, na in-organize ni Bikoy.
"Said pageant utilized complainant’s corporate name and logo in the promotional activities without the knowledge, authorization and consent of the corporation," saad sa reklamo. Ang kumpanya ay distributor ng mga pabango.
"Respondent never attended the Coronation Night and became unreachable thereafter leaving all the members of the production staff unpaid," dagdag sa reklamo.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang mga nanalo at production staff sa complainant at hiniling na ibigay ang mga premyo na nasa kabuuang P304,422.
"Through false pretenses and use of the corporate name, complainant was damaged financially in the amount stated above," the complaint said.
"Respondent became untraceable and efforts to locate him to answer for his misrepresentation remained until recently where he resurfaced in a Press Conference at the Integrated Bar of the Philippines offices last May 6, 2019 finally, the undersigned now has the legal recourse against respondent for his criminal fraudulent act," saad nito.
'DI INAALOK MAGING STATE WITNESS
Sa kabila ng kanyang mga rebelasyon, walang alok ang pamahalaan kay Peter Joemel Advincula bilang state witness laban sa opposition na umano’y nasa likod ng viral videos na "Ang Totoong Narcolist."
"There is none," pagkumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Bukod diyan, sinabi ni Guevarra na hanggang ngayon ay wala kay Advincula o sinuman sa kampo nito ang lumapit para maging state witness."We don’t even know where Bikoy is and who his handlers are," aniya.
-Martin A. Sadongdong, Fer Taboy, at Jeffrey G. Damicog