MARAMI ang nainggit kay Kiray Celis sa photo nila ni Clint Bondad na makikitang nakahiga ang aktres sa lap ni Clint. Never mind kung ang caption ni Clint sa litrato ay: “Am I daddy material? Our new show Daig, soon airing!”

Kiray at Clint

Sina Kiray at Clint kasi ang mga bida sa episode bukas ng Daig Kayo Ng Lola Ko na may pamagat na “Super K, Wonder K”.

Kung may mga nainggit kay Kiray, meron din nagmaasim sa comment nitong “From Catriona to Iguana”, na ang tinutukoy ay ang ex ni Clint na si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

M a r a m i nama n a n g n a g t a n g g o l k a y K i r a y , sinabing nagtatrabaho lang daw ang aktres at si Clint, bakit kailangang okrayin? S a n a s a b i n g e p i s o d e , gagampanan ni Kiray ang role ni Kakai, simpleng babae na may secret superhero identity named Super Kiriray. Hindi kasalanan ni Kiray kung siya ang napiling ipareha sa Kapuso heartthrob, samantalang kasama rin si Gil Cuerva s a c h i l d - f r i e n d l y program ng GMA-7, na napapanood every Sunday.

Dahil sa post ni Clint, nalaman namin na marami pa rin ang galit sa kanya dahil sa break-up nila ni Catriona. Siya kasi ang sinisisi ng iba. Kahit may mga nagsabi nang si Catriona ang nakipag-break kay Clint, sige pa rin ang hate nila sa Kapuso talent. Babaero raw si Clint at ginamit daw nito ang relasyon nila ni Catriona para magka-showbiz career.

Ito ay kahit break na sina Catriona at Clint nang makita si Clint na may kasamang different girls, kasama na ‘yung controversial video na may buhat at hinahalikan siyang babae.

-Nitz Miralles