NASA bahay at inaalagaan na ni Claudine Barretto ang bago niyang adopted child, isang baby boy.

Claudine

Hindi pa niya ipinakita ang mukha ng baby boy, at paa lang nito na hawak ng aktres ang nilitratuhan niya at may caption na, “I will luv u forever.”

Nagtanong si Gretchen Barretto ng “New?”, na ibig sabihin, kung bagong baby ang in-adopt ni Claudine.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dati nang nabanggit ni Claudine ang tungkol sa muli niyang pag-a-adopt ng baby, at sa isang letter ng panganay niyang si Sabina para kay Gretchen last April, nabanggit nitong Noah ang pangalan ng bunso niyang kapatid.

Bale, apat na ang anak ni Claudine. Bukod sa adopted din niyang si Sabina at kay Noah, may isa pa siyang inampong baby girl, si Quia, at may biological child sila ng ex-husband niyang si Raymart Santiago, si Santino.

-Nitz Miralles