ANG masayang balita ni Teresita “Winwyn” Marquez na tumanggap siya ng Teacher Certificate Program mula sa Southville International School and Colleges ay pinuri ng netizens. Ang gandang tingnan ni Winwyn na naka-toga at may hawak na certificate.

Winwyn copy

Post niya: “@southville_is touched my life and now it’s my turn to touch the lives of other people through teaching. It has always been a dream of mine to become a teacher & now I’m a step closer. Always be curious. There’s a lot to learn about the world.

“BSBA Major in Marketing Management (SBCA) 2012, Reina Hispanoamericana 2 0 1 7 , now, Teachers Certificate Program (SISC) 2019.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ang nag-congratulate kay Winwin kabilang sina Benjamin Alves at Pancho Magno na mga kasama niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig at nabasa rin namin ang mga pangalan nina Rodjun Cruz, Dominic Roque, Enzo Pineda, Jolina Magdangal sa mga bumati kay Winwyn.

Hinanap namin ang pangalan ng ex-boyfriend ni Winwyn na si Mark Herras kung nag-congratulate ba kay Winwyn, pero hindi namin nabasa ang pangalan nito. Gusto na lang sigurong mag-move on ni Mark, kaya hindi na bumati kay Winwyn, kahit sinabi nila pareho na friends pa rin sila kahit break na.

Hindi pa nabanggit ni Winwyn kung titigil siya sa showbiz ‘pag naging teacher na siya. Actually, p’wede pa rin naman siyang mag-artista kahit guro na siya. Iiwasan na lang siguro nito ang gumanap na kontrabida o kaya’y makipag-kissing scene para walang masabi ang eskuwelahan, mga magiging estudyante niya at parents ng kanyang mga magiging estudyante.

Sa ngayon, kontrabida ang role niya sa Dahil sa Pag-ibig at may kissing scene pa kay Benjamin.

-NITZ MIRALLES