Nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) ang iba’t ibang illegal shipments ng wildlife trade products, na idineklarang registered mail at laruan, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), iniulat ngayong Biyernes.

BISTADO Ipinakita ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga nasabat na shipment ng wildlife trade products sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (ARIEL FERNANDEZ)

BISTADO Ipinakita ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang mga nasabat na shipment ng wildlife trade products sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (ARIEL FERNANDEZ)

Ang shipment, na naglalaman ng balat ng stingray, ulo ng moose, prineserbang fox at 100 tarantula, ay dinala sa Wildlife Trafficking Management Unit (WTMU-DENR), Bureau of Animal Industry (BAI), at Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Customs district collector Carmelita Talusan, ang shipment ng illegal wildlife gaya ng balat ng stingray mula sa Jakarta, Indonesia ay nadiskubre sa package na nakapangalan sa isang taga-Talisay, Cebu City, habang ang ulo ng moose at prineserbang fox mula sa Norway at France na nakapangalan sa mga taga-Cavite at Quezon City, ayon sa pagkakasunod.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang isa pang shipment na 100 tarantula, nakapaloob sa plastic containers, ay mula sa Poland at Malaysia ay nakapangalan sa mga taga-Sto Tomas, Batangas, Naga City, at Cebu.

Ayon kay Talusan, ang shipment ay nadiskubre sa Central Mail Exchange Center (CMEC), sa pamumuno ni Customs collector Nora Cawili.

Sinabi niya na ang mga lumabag sa illegal wildlife trading ay makukulong ng isa hanggang dalawang taon at multang P20,000 hanggang P200,000, base sa RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protective Act in relation to RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

-Ariel Fernandez