TOKYO, Japan – Nagbigay na ng go signal si Pangulong Duterte na ibenta ang isa sa tatlong jewelry collections ni dating First Lady Imelda Marcos.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na hilingin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Office of the President (OP) na aprubahan ang proposal nito na ibenta ang Hawaii Collection ni Marcos, na nagkakahalaga ng P704.8 milyon, sa pamamagitan ng public auction.
-Argyll Cyrus B. Geducos