Kinumpiska ang shipment ng imported na karne mula sa Japan, na dinala sa bansa nang walang clearance at health certificate, sa Ninoy Aquino International Airport, kamakailan.

KARNE_ONLINE

Nasa kabuuang 84 na kilo ng imported na karne ang kinumpiska ng Bureau of Customs sa kawalan ng kaukulang mga dokumento gaya ng Bureau of Animal Industry clearance at health certificate.

Ito ay iniulat na dinala ng isang pasahero na bigong magpakita ng kaukulang mga dokumento upang matiyak na walang kontaminadong karne na makapapasok sa Pilipinas, lalo na’t pansamantalang ipinagbabawal ang mga produktong karne mula sa ilang bansa na may African swine fever virus.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kahit na ang pinanggalingan ng shipment ay hindi kasama sa listahan ng mga bansang bawal sa meat importation, kinumpiska ang shipment upang maiwasang makapasok ang mga infected na karne.

Dinala ang shipment sa Bureau of Animal Industry-Veterinary Quarantine Services nitong Mayo 27.

-Betheena Kae Unite