Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

3:00 n.h -- Creamline vs Pacific Town Army

5:00 n.g. -- Banko Perlas vs Petrogazz

HAHARAPIN ng Pacific Town Army at Petrogazz ang kani-kanilang karibaI target ang ikalawang sunod na panalo ngayon sa 2019 PVL Reinforced Conference sa Filoil Flying Center sa San Juan.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Unang sasabak ang Lady Troopers ganap na 2:00 ng hapon kontra defending champion Creamline Cool Smashers at susunod ang Angels na haharapin naman ang ngayon pa lamang sasalang na Banko Perlas.

Muling sasandigan ng Lady Troopers sina imports Janelle Jordan at Olelna Lymareva Flink kasama ng mga beteranong sina Jovelyn Gonzaga at Ging Balse Pabayo para manguna sa pagpuntirya ng ikalawang dikit nilang panalo.

Sa panig ng kanilang katunggali, magsisikap namang bumawi ng Cool Smashers mula sa kabiguang nalasap sa kamay ng Angels.

Dito masusubukan kung paanong adjustment ang gagawin ni Creamline Chinese coach Li Huanning upang punuan ang di inaasahang pagkawala ng kanilang local ace na si Alyssa Valdez na na-injured sa laban nila kontra Angels na isa sa naging dahilan ng pagkatalo nila ng straight sets.

Samantala sa tampok na laban, muli namang mangunguna para sa Perlas Spikers ang nagbabalik nilang American import na si Lakia Bright na may bagong kapareha sa katauhan ng Turkish na si Yasemin Yeldirim

Dito rin masisilip ang istilo ng bagong mentor ng Banko na si Apichat Kongsawat ng Thailand.

Sasandigan naman Angels para manguna sa target nilang ikalawang panalo sina import Janisa Johnson at Cuban national team member Wilma Salas na kumamada ng pinagsanib na 38 puntos sa una nilang outing.

-Marivic Awitan