Nadakip na ng pulisya ngayong Martes ang basurero na sinasabing nanaksak kahapon sa babaeng kapwa niya basurero sa Boni Station ng MRT sa Mandaluyong City.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmore

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Reymart Gabane, 19, mula sa Catbalogan City, Samar.

Sa pagbabahagi ni Capt. Noemi Guevara, hepe ng Mandaluyong City Police Community Precinct (PCP)-4, naaresto ng District Mobile Force Battalion si Gabane sa Mega footbridge malapit sa isang shopping mall, bandang 10:45 ng umaga.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“They saw the suspicious-looking man roaming around the area,” ani Guevara. “By chance, he resembled the man in the video who stabbed the female scavenger at MRT-3 Boni Station on Monday, and they confirmed that he was the one in the video.”

Nitong Lunes ng hapon, natagpuan ang babaeng duguan ang damit at nakahandusay sa hagdanan ng northbound side ng MRT Boni Station.

Tumawag umano ng emergency rescue personnel, pero patay na ang biktima, ayon sa pulisya.

Batay sa CCTV footage na nakuha ng mga awtoridad, sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib nito, saka tumakas.

Ayon kay Guevara, gumamit umano ng ballpen ang suspek sa pananaksak sa biktima.

Dinala na ang bangkay ng babae sa Gospel Funeral Homes para sa autopsy at post mortem examination.

-Mary Ann Santiago