ALAGAAN ang atay para hindi maagang mamaalam.
Kung sa hinuha mo’y simpleng bahagi lamang ng katawan ang atay, panahon na para magising sa katotohanan. Maituturing ‘silent hero’ ang atay dahil ito ang bumubuno para masala ang mga toxins na nakukuha sa mga pagkain at inumin, higit yaong mga nakalalasing.
Nakapaloob sa atay ang mga importanteng bitamina at mineral na inilalabas patungo sa dugo para manatiling malakas ang pangangatawan. Tumutulong ang atay para malabanan ang impeksyon at maalis ang bacteria sa dugo.
Ang atay ang gumagawa ng paraan para makuha ang kinakailangan protina mula sa ating mga kinain at gumagawa ng mga chemicals na kailangan ng ating utak at spinal cord. Sinasala ng atay ang mga metabolism, gamot, alcohol at iba pang toxins na nakukuha ng katawan mula sa mga pagkain.
Matagal nang usapin na ang mga mahihilig sa inuming nakalalasing ang siyan nagkakaroon ng karamdaman sa atay na tinatawag na Alcoholic Fatty Liver Disease (AFLD). Ilanb s amga sintimoa snito ang madaling mapagod, pananakit ng kanang bahagi ng tiyan, lumalaking suso sa mga kalalakihan, pamumula ng mga palad, at paniniwal ng balat at mata na tinatawag na ‘jaundice’.
Ngunit, hindi lamang sa alak nasisira ang ating atay. Ilang dahilan din ang labis na pag-inom ng alak, mahabang paggamit ng medikasyon, viruses, parasites, at labis na taba.
Maging ang mga atleta at individual na babad sa gym ay hindi makakaligtas sa uri ng karamdaman sa atay ang tinatawag na Non-Alcoholic Fatty Liver Disease (NAFLD) kung magpapabaya sa pangangalaga nito.
Responsibilidad ng bawat isa na panatilihiong malusog ang pangangatawan at ang pangangalaga sa atay ay isang pamamaraan.
Ang pagkain ng tama at limitadong pag-inom ng alak ay ilan lamang sa tamang gawain para magkaroon ng malusog na atay, gayundin ang regular na pagpapa-check up at blood test para malaman kung may nasisira nang bahago n gating katawan.
Ang pagkain ng iba’t ibang berries, oatmeal at bawang at paginom ng kape at green tea ay mabuti sa ating atay.
Makatutulong din ang pag-inom ng (Phospholipids) Essentiale® Forte P na naglalaman ng purified EPL® (Essential Phospholipids) na nakuha mula sa mga pagkaing natural gamit ang teknolohiya mula sa Germany. Nakabubuti ito sa ating liver cells. Nabibili sa lahat ng drug stores sa bansa, ang Essentiale ay resulta nang pag-aaral upang mapalakas at mapanatiling malusog ang ating atay.
Huwag balewalain ang atay, para hindi maagang mamaalam.