Nasa 1.8 milyong bata sa Marawi City ang nananatiling lantad sa panganib, kahit dalawang taon nang nakalipas ang bakbakan.

GANITO KAMI SA MARAWI Naglalaro ang mga bata sa gilid ng kalsada sa isang temporary shelter area sa Marawi City, Lanao del Sur, nitong Huwebes. (EPA-EFE/MARK R. CRISTINO)

GANITO KAMI SA MARAWI Naglalaro ang mga bata sa gilid ng kalsada sa isang temporary shelter area sa Marawi City, Lanao del Sur, nitong Huwebes. (EPA-EFE/MARK R. CRISTINO)

Dalawang taon makalipas ang limang-buwang digmaan sa Marawi City, Lanao del Sur, sinabi ng isang international group na nagsusulong sa kapakanan ng mga bata, na halos dalawang milyong paslit sa siyudad ang patuloy na nahaharap sa “uncertainties” sa pamumuhay sa mga bahay at paaralang winasak ng bakbakan, habang walang maayos na pinagkakakitaan ang kanilang mga magulang.

Sa pagbabahagi ng Save the Children Philippines, nasa 1.8 milyong bata “face threats of lingering conflict” sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay CEO Albert Muyot, ang nagpapatuloy na kaguluhan at labanan sa Mindanao “means children continue to risk death, injury and trauma.”

Sa datos ng Save the Children Philippines, lumalabas na mula Pebrero hanggang Marso ay nasa 77,000 bata ang walang tirahan  sa Maguindanao, Surigao del Sur, Lanao del Norte, at Lanao del Sur dahil sa walang tigil na labanan.

Patuloy ang rehabilitasyon sa Marawi makaraang wasakin ng limang buwang labanan noong 2017, sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute-ISIS.

Dahil sa nasabing kaguluhan, nagdeklara ng batas militar sa buong Mindanao, na epektibo hanggang sa Disyembre 31, 2019.

-Merlina Hernando-Malipot